“Elder Pedro X. Larreal,” Liahona, Mayo 2025.
Elder Pedro X. Larreal
General Authority Seventy
Sa ikaapat na buwan ni Elder Pedro X. Larreal bilang full-time missionary, bumisita si Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) sa Venezuela Caracas Mission.
Naalala ni Elder Larreal, “Napakaganda ng paanyaya niya sa amin tungkol sa paglalaan: ‘Kung 100 porsiyento kayong nakatuon, ipinapangako ko na tatanggap ng mga pagpapala ang inyong pamilya sa hinaharap.’”
Pagkatapos, sumulat si Elder Larreal ng liham para makipaghiwalay sa kanyang kasintahan sa kanilang lugar. “Kailangan kong ialay ang lahat sa harap ng altar dahil kailangan kong higit na magtuon.”
Sa paggunita sa nakaraan, nakita niya ang maraming pagpapala—kapaki-pakinabang na edukasyon, matagumpay na trabaho—na nagsiusbong mula sa pagtitiwala sa pangako ng apostol na iyon.
“Kapag sinusunod natin ang patnubay ng isang propeta, tagakita, at tagapaghayag, magkakamit tayo ng mga pagpapala sa ating buhay,” sabi niya. “Pangako.”
Isinilang si Pedro Xavier Larreal Noguera noong Hulyo 6, 1976, sa Valencia, Venezuela, kina Duilio Antonio Larreal Romero at Haydee Maria Noguera De Larreal. Ikinasal siya kay Sariah Alvarez Campos sa Caracas Venezuela Temple noong Agosto 25, 2001. Sila ay may tatlong anak.
Si Elder Larreal ay nagtamo ng bachelor’s degree sa management mula sa Simón Rodríguez University, master’s degree sa science in education mula sa Santa Maria University, at master of business administration mula sa Brigham Young University. Nagtrabaho siya bilang coordinator ng Seminaries and Institutes of Religion at nagtrabaho para sa Nature’s Sunshine Products Inc. bilang general manager at regional director ng Mexico, Central America, at Dominican Republic.
Bago tinawag na General Authority, naglilingkod si Elder Larreal bilang pangulo ng Texas McAllen Mission. Nakapaglingkod siya bilang Area Seventy sa dalawang area, stake president, stake presidency counselor, high councilor, stake executive secretary, at bishop.