2025
Elder Brik V. Eyre
Mayo 2025


“Elder Brik V. Eyre,” Liahona, Mayo 2025.

Elder Brik V. Eyre

General Authority Seventy

Itinuturing ni Elder Brik V. Eyre na “hindi kapani-paniwala” ang kanyang karanasan sa paglilingkod nang tatlong taon bilang pangulo ng Arizona Phoenix Mission.

Tungkol sa paglilingkod na kaagapay ang kanyang asawang si Susan, sinabi niya, “Ikaw ay pantay na kapamatok ng iyong katuwang, … at kaya naglingkod kami nang magkatabi.” At tungkol sa paglilingkod kasama ang daan-daang full-time missionary, dagdag pa niya, “Hindi ko alam kung maipapaliwanag ko man lang ang napakagandang pagpapala na makasama araw-araw ang mga awtorisadong kinatawan ni Jesucristo sa loob ng tatlong taon.”

Isinilang si Brik Vern Eyre noong Enero 17, 1964, sa Logan, Utah, kina Vern Bingham Eyre at Emma Rae Anderson Eyre. Mayroon siyang limang nakatatandang kapatid na babae at ilang ninuno sa mga unang miyembro ng Simbahan.

Naglingkod si Elder Eyre sa Guatemala Guatemala City Mission. Ikinasal siya kay Susan Zari Rahimzadeh sa Logan Utah Temple noong Hunyo 27, 1987. Ang ama ni Sister Eyre ay may lahing Muslim, at ang kanyang ina ay mula sa angkan ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga Eyre, na nakatira noon sa Park City, Utah, nang tawagin siya sa tungkulin, ay may limang anak na nasa hustong gulang na.

Si Elder Christensen ay tumanggap ng bachelor’s degree sa finance mula sa Brigham Young University at ng master of business administration mula sa University of Tulsa. Nagtrabaho siya sa industriya ng mga produktong medikal, kabilang dito ang Baxter International bilang senior vice president at naging pangulo ng kumpanya sa rehiyon ng America, at kamakailan lamang bilang miyembro ng board ng HemaSource.

Nang tawagin siya sa tungkulin, naglilingkod noon si Elder Eyre bilang Area Seventy. Nakapaglingkod na rin siya bilang stake president, stake presidency counselor, high councilor, bishop, ward Young Men president, at early-morning seminary teacher.