“Elder Wan-Liang Wu,” Liahona, Mayo 2025.
Elder Wan-Liang Wu
General Authority Seventy
Noong 10 taong gulang pa lamang si Elder Wan-Liang Wu, lumipat ang kanyang pamilya mula Taiwan patungong Bolivia. Doon nakilala ng kanyang mga kapatid na babae ang mga misyonero sa pamamagitan ng mga kaibigan. Nagsimula siyang makipagkita sa mga misyonero at nabinyagan sa edad na 11.
Ang pag-aayos sa isang bagong tahanan ay tunay na mapanghamon, ngunit nagpapasalamat siya sa paglipat ng kanyang pamilya. “Nawalan ako ng isang bagay upang magkaroon ng mas mahuhusay na bagay sa mas mahusay na paraan ng Panginoon,” sabi niya.
Isinilang si Wan-Liang Wu sa Taipei, Taiwan, noong Disyembre 22, 1970, na bunsong anak nina Chang Yung Wu at Bao Guey Lin. Siya ay may tatlong kapatid na babae at isang kapatid na lalaki.
Matapos makalipat ang kanyang pamilya sa Santa Cruz, Bolivia, lumipat sila sa Buenos Aires, Argentina, noong siya ay 14 na taong gulang. Matapos maglingkod sa China Hong Kong Mission, ikinasal siya kay Marcela Beatriz Castellani noong Marso 17, 1995, sa Buenos Aires Argentina Temple. Sila ay may tatlong anak.
Sila ni Marcela ay nagmamay-ari at namamahala sa grocery store ng pamilya ng kanyang asawa sa Buenos Aires. Nagtrabaho siya sa Simbahan mula pa noong 2007, una sa Meetinghouse Facilities Department at pagkatapos, noong 2016, bilang operations and maintenance manager para sa South America South Area.
Si Elder Wu ay nagtamo ng bachelor’s degree sa business administration mula sa Universidad Argentina de la Empresa noong 2014 at master of business administration mula sa Universidad del CEMA sa Buenos Aires noong 2020.
Nang tawagin siya sa tungkulin, naglilingkod noon si Elder Wu bilang mission president ng Chile Antofagasta Mission. Nakapaglingkod na rin siya bilang stake president, stake presidency counselor, bishop, elders quorum president, ward clerk, elders quorum presidency counselor, at temple ordinance worker.