2025
Elder Ronald M. Barcellos
Mayo 2025


“Elder Ronald M. Barcellos,” Liahona, Mayo 2025.

Elder Ronald M. Barcellos

General Authority Seventy

Sa edad na 12, binasa ni Elder Ronald M. Barcellos ang Aklat ni Mormon sa unang pagkakataon. Nang matapos siyang magbasa, nilapitan niya ang seminary teacher sa kanyang ward at nagtanong kung maaari siyang magsimulang dumalo sa mga klase ng seminary.

“Dumalo ako sa seminary mula edad 12 hanggang 18 dahil gustung-gusto ko lang na naroon ako at nakikinig sa mga kuwento ng Biblia at ng Aklat ni Mormon,” sabi niya. “Noon pa man ay nararamdaman ko na ang pagmamahal na ito para sa ebanghelyo, at dama ko sa tuwina na totoo ito.”

Ang pagmimisyon kalaunan ay nagpatibay sa kanyang pananampalataya, at sumumpa siya na laging uunahin ang ebanghelyo sa kanyang buhay.

“Manatiling malapit sa [Ama sa Langit], ituparin ang inyong mga tipan, at ang Kanyang mga plano para sa inyo ay matutupad,” sabi niya.

Isinilang si Ronald Maldonado Barcellos sa São Paulo, Brazil, noong Nobyembre 4, 1975, kina Sérgio Barcellos Silveira at Marcia Maldonado Barcellos Silveira. Ikinasal siya kay Karin Spat Albino Barcellos Silveira sa São Paulo Brazil Temple noong Disyembre 4, 1999. Sila ay may tatlong anak.

Nag-aral si Elder Barcellos ng business administration sa São Marcos University sa São Paulo. Kasama sa kanyang propesyonal na karera ang pagtatrabaho para sa ilang mga kumpanya sa mga tungkulin sa sales at marketing at bilang isang negosyante. Siya ay kasamang tagapagtatag ng ilang mga negosyo, kabilang na ang GreenMile, LLC, kung saan siya naging chief executive officer sa loob ng ilang taon.

Kamakailan lamang ay natapos ni Elder Barcellos ang kanyang paglilingkod bilang mission president sa Portugal Lisbon Mission. Nakapaglingkod na rin siya bilang stake presidency counselor, high councilor, stake Young Men president, bishop, bishopric counselor, high priests group leader, elders quorum president, at seminary teacher.