2025
Elder Kevin G. Brown
Mayo 2025


“Elder Kevin G. Brown,” Liahona, Mayo 2025.

Elder Kevin G. Brown

General Authority Seventy

Noong 12 taong gulang pa lamang si Kevin Brown, hinamon siya ng isang sister missionary na basahin ang Aklat ni Mormon. Kaya, nagdarasal siya tuwing umaga, nagbabasa, at nagdarasal muli. Sa bawat pagdarasal, itinatanong niya sa Ama sa Langit kung totoo ang Aklat ni Mormon.

Naaalala niya na isang umaga habang nagdarasal, na “hindi na niya kailangan pang magtanong. Sumagot ang Panginoon sa kamangha-manghang paraan.” Naramdaman niya na sinabi sa kanya ng Panginoon: “Kilala kita, at mahal kita. Anak kita.”

Kaagad, kinumpirma sa kanya ng Espiritu Santo: “Ito ay katotohanang mula sa Diyos. Ang Aklat ni Mormon ay totoo. Si Joseph Smith ay isang propeta.” Binago ng karanasang ito ang kanyang buhay.

Pinasasalamatan ni Elder Brown ang impluwensya ng sister missionary na iyon at ng iba pa sapagkat naririto siya sa kinaroroonan niya ngayon dahil sa kanila. Sa murang edad, naimpluwensyahan siya ng mga miyembro ng Simbahan na tumulong sa kanya—mula sa kanyang district president hanggang sa mga guro sa Primary, mula sa mga kabataang missionary hanggang sa mga senior missionary, at lalo na sa kanyang asawang si Nadine, na maliban sa Panginoon, ay napakalaki ng naging impluwensya sa kanya.

Isinilang si Kevin G. Brown noong Mayo 18, 1976, sa Manchester, Jamaica, kina Desmond Holness at Patsy Williams Brissett. Ikinasal siya kay Nadine Lezanne Carter noong 1999. Sila ay may limang anak.

Si Elder Brown ay nagtamo ng bachelor’s degree mula sa University of Technology, Jamaica, noong 2008. Siya ay nagtamo ng master’s degree sa governance and public policy mula sa University of the West Indies noong 2012. Mula pa noong 2001, siya ay nagtrabaho na para sa mga Seminary at Institute of Religion ng Simbahan.

Nang tawagin siya sa tungkulin, naglilingkod noon si Elder Brown bilang Area Seventy sa Utah Area.