Ulat ng Church Auditing Department, 2024
Sa Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
Mahal na mga Kapatid: Ayon sa paghahayag, na nakatala sa bahagi 120 ng Doktrina at mga Tipan, ang Council on the Disposition of the Tithes—na binubuo ng Unang Panguluhan, Korum ng Labindalawang Apostol, at Presiding Bishopric—ang nagpapahintulot sa paggastos ng pondo ng Simbahan. Ginugugol ng mga organisasyon ng Simbahan ang mga pondo alinsunod sa inaprubahang mga budget, patakaran, at pamamaraan.
Ang Church Auditing, na binubuo ng mga sertipikadong propesyonal at hindi sakop ng iba pang mga departamento at organisasyon ng Simbahan, ay may responsibilidad na magsagawa ng mga audit para makapagbigay ng makatwirang katiyakan tungkol sa mga kontribusyong natanggap, paggastos na ginawa, at pangangalaga sa mga ari-arian ng Simbahan.
Batay sa isinagawang mga audit, sa opinyon ng Church Auditing, sa lahat ng mahahalagang bagay, ang mga kontribusyong natanggap, paggastos na ginawa, at mga ari-arian ng Simbahan para sa taong 2024 ay naitala at napangasiwaan alinsunod sa mga budget, pagtatala sa accounting, at patakaran na inaprubahan ng Simbahan. Sinusunod ng Simbahan ang mga gawing itinuturo sa mga miyembro nito na pamumuhay ayon sa budget, pag-iwas sa pangungutang, at pag-impok para sa panahon ng pangangailangan.
Buong paggalang na isinumite,
Church Auditing Department
Jared B. Larson
Managing Director