Mga Tinig ng mga Kabataan
Hindi Malulungkot Kailanman, Dahil sa Kanya
Larawang-guhit ni Katelyn Budge
May ilan pang kabataan sa aming ward, pero wala ni isa sa kanila ang kaeskwela ko. Dahil diyan, talagang nalungkot ako sa grade seven. Pakiramdam ko ay nalalayo na ako sa mga kaibigan ko ngayon at wala akong gaanong bagong kaibigan. Kaya nagdasal ako nang husto at nag-aral ng mga banal na kasulatan.
May nakita akong kuwento kung saan kinutya at itinaboy si Jesucristo (tingnan sa Lucas 4:16–30). Itinuro sa akin ng mga kuwentong tulad niyon na naranasan Niya ang pinagdaanan ko, at nakatulong iyon sa akin nang malaki. Dahil sa Kanya, hindi ako nag-iisa.
Si Jesucristo ang aking Tagapagligtas. Siya ang aking pinagkakatiwalaang kaibigan. Lagi akong makakabaling sa Kanya at sa Ama sa Langit. At alam ko na nariyan Sila gaano man kalayo ang pakiramdam ko sa iba pa.
Dot C., 14, New York, USA
Mahilig magbasa, magsulat nang malikhain, at makipaglaro sa kanyang mga kapatid.