Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ano ang ginagawa ng mga tao sa Tore ng Babel? Bakit nila ito itinatayo?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Pebrero 2026


Tuwirang Sagot

Ano ang ginagawa ng mga tao sa Tore ng Babel? Bakit nila ito itinatayo?

Tore ng Babel

Paglalarawan ni David Green

“[Inilagay ni Satanas] sa puso ng mga tao na magtayo ng isang tore na may sapat na taas upang sila ay makarating sa langit” (Helaman 6:28).

Sinusubukan nilang gumawa ng sarili nilang paraan papunta sa buhay na walang hanggan at kaligayahan sa halip na sundin ang paraan ng Panginoon. Gusto nilang “gumawa ng pangalan para sa [kanilang] mga sarili,” (Genesis 11:4) sa halip na taglayin sa kanilang sarili ang pangalan ng Panginoon. Gumawa sila ng huwad na templo. Tinangka nilang iwasan ang landas na aakay sa kanila na “[umakyat] sa bundok ng Panginoon” (Mga Awit 24:3) sa pamamagitan ng pagtatayo ng sarili nilang “bundok.” Inakala nila na magagawa ito ng kanilang determinasyon, teknolohiya, at kasanayan—nang walang pananampalataya kay Jesucristo, pagsisisi, mga tipan, at pagsunod.

Mangyari pa, nabigo sila.

Itinuro ni Elder D Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Walang ‘aking paraan’ kung tutularan natin ang halimbawa ni Cristo. Ang pagtatangkang maghanap ng ibang daan papunta sa langit ay tulad ng walang-kabuluhang pagtatayo ng Tore ng Babel sa halip na umasa kay Cristo at sa Kanyang kaligtasan.”