Mga Bagay na Hindi Nagbabago Kailanman
Kung minsan ang buhay ay parang madilim na karagatan, na may mga alon ng pagbabago na nagdadala sa iyo sa mabuti o sa masama. Kapag nagsimulang magbago ang mga kaibigan, paaralan, o sitwasyon ng pamilya at nagsimula ang mga bagong kabanata, maaaring kapana-panabik ito—o maaaring tila ba napakahirap. Siguro nag-aalala ka dahil hindi mo alam kung saan ka dinadala ng mga alon na iyon, pero tulad ng marino na umaasa sa mga bituin para ligtas na makauwi, maaari mo ring i-navigate ang mga pagbabago sa buhay habang umaasa ka sa Diyos at nakatuon sa mga bagay na hindi nagbabago kailanman.
Ang Diyos ay hindi nagbabago kailanman. “Siya ay hindi pabagu-bago mula sa lahat ng kawalang-hanggan hanggang sa lahat ng kawalang-hanggan” (Moroni 8:18).
Ang iyong kahalagahan ay hindi nagbabago kailanman. “Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 18:10).
Ang pagmamahal ni Cristo at ang kapangyarihan ng Kanyang Pagbabayad-sala ay hindi nagbabago kailanman. “Si Jesucristo ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman (Mga Hebreo 13:8).
Kapag dama mo na ikaw ay naliligaw sa dagat ng buhay, sana’y maalala mo na nagbabago ang buhay, pero ang Diyos ay hindi. Ang iyong kahalagahan ay hindi nagbabago. Si Cristo ay hindi nagbabago.
Hayaan na maging di-matitinag ninyong mga bituin sa ibabaw ng mga alon ang mga walang-hanggang katotohanang ito!
Ang inyong kaibigan,
Tamara W. Runia
Unang Tagapayo sa Young Women General Presidency