Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta kay … Andrea T. T. mula sa Peru
Para sa Lakas ng mga Kabataan Pebrero 2026


Digital Lamang: Kumonekta

Andrea T. T.

18, Lima Region, Peru

kabataang babae

Larawang kuha ni Miguel Pachas

Gusto kong malaman kung dapat akong magmisyon. Matapos magdasal sa FSY, nakatanggap ako ng sagot. Pakiramdam ko ay nakikipag-usap sa atin ang Panginoon sa maraming paraan sa pamamagitan ng mga taong nakapaligid sa atin. Sinasagot Niya tayo ayon sa kailangan natin at kadalasan ay sa mismong sandaling kailangan natin ito.

Ang pakikinig sa ating mga damdamin at impresyon ay napakahalaga. Sinisikap kong mas makinig sa tinig ng Panginoon sa pamamagitan ng pagdarasal nang madalas para lalo ko Siyang marinig at makilala. Maaari tayong mas mapalapit sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay sa tamang paraan, pagsunod sa Kanyang mga kautusan, pagdarasal, at pagbabasa ng mga banal na kasulatan.

Napakahalagang makinig kay Jesucristo dahil makahahanap tayo ng kapanatagan at mga sagot sa mga paghihirap na nararanasan natin sa ating pang-araw-araw na buhay. Marami Siyang magagandang bagay na inihanda para sa bawat isa sa atin, at makasusumpong tayo ng lakas sa Kanyang salita.