Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ang Baha: Noe
Para sa Lakas ng mga Kabataan Pebrero 2026


Mga Kuwento mula sa Lumang Tipan

Moises 8; Genesis 6–8

Ang Baha: Noe

Ang Baha: Noe

I-download ang PDF

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill

Ang Kanyang Kuwento

Ang Babala

Nabuhay si Noe sa panahong puno ng kasamaan. Sinabi ng Panginoon kay Noe na babahain ang mundo kung hindi magsisisi ang mga tao. Iniutos Niya kay Noe na ipangaral ang ebanghelyo ni Jesucristo, pero hindi nagsisi ang mga tao.

Ang Arka

Sinabi ng Diyos kay Noe na gumawa ng arka (malaking barko). Nakipagtipan si Noe sa Diyos at ginawa ang iniutos Niya sa kanya. Pumasok siya sa loob ng arka kasama ang kanyang pamilya at ang lahat ng uri ng hayop.

Ang Ulan

Umulan nang 40 araw at 40 gabi, at ang buong mundo ay binaha. Kalaunan, pinalipad ni Noe ang isang kalapati mula sa arka para maghanap ng tuyong lupa. Bumalik ito na may dalang dahon ng olibo.

Ang Handog

Matapos umalis si Noe at ang kanyang pamilya sa arka, gumawa si Noe ng altar para sa Panginoon at nag-alay ng mga handog sa Kanya. Masunurin at mapagpasalamat si Noe. Ang Panginoon ay naglagay ng bahaghari sa ulap bilang tanda ng Kanyang tipan na hindi na Niya muling lilipulin ang mundo sa pamamagitan ng baha.

Ang Kuwento Mo

Tulad ni Noe, maaaring may mga pagkakataon ka sa iyong buhay na napaliligiran ka ng “mga alon” (mahirap o nakakatakot na mga sitwasyon). Pero mapagkakatiwalaan mo ang Ama sa Langit at si Jesucristo na tutulungan ka na makahanap ng pag-asa at kapayapaan habang nagsisikap kang tuparin ang iyong mga tipan.