Para sa Lakas ng mga Kabataan
Paglilingkod at ang Pagmamahal ng Tagapagligtas
Para sa Lakas ng mga Kabataan Pebrero 2026


Mga Tinig ng mga Kabataan

Paglilingkod at ang Pagmamahal ng Tagapagligtas

dalagita na inaalo ang isang malungkot na dalagita

Larawang-guhit ni Katelyn Budge

Noong 10 taong gulang ako, sinabi sa akin ng tita ko ang tungkol sa kanyang simbahan: Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nakatira siya sa ibang rehiyon, kaya sa bayan ko ako nakakita ng ward at nabinyagan pagkaraan ng dalawang linggo. Hindi naging mahirap sa akin na sumapi nang mag-isa sa Simbahan dahil sinuportahan ako ng tita ko, at masaya akong tinanggap sa ward ng mga bagong kaibigan ko sa Young Women.

Ang paraan ng paglilingkod nila sa akin ay nagbigay-inspirasyon sa akin na maglingkod sa iba. Minsan, umiiyak ang isa sa mga kaklase ko dahil mababa ang nakuha niyang grado sa kanyang end-of-term exam at hindi niya alam kung paano ito sasabihin sa kanyang mga magulang. Inalo ko siya, at sinabi ko sa kanya na lakasan niya ang kanyang loob. Napanatag siya at nagpasalamat sa akin.

Ang paglilingkod ay nagpatibay sa ugnayan ko sa Tagapagligtas at sa Ama sa Langit dahil ipinakita nito sa akin kung paano ipamuhay ang mga turo ng pagmamahal at habag ng Tagapagligtas. Nadarama ko ang Kanyang pagmamahal kapag naglilingkod ako sa iba at kapag pinaglilingkuran ako ng iba.

dalagita

Keziah N., 14, Greater Accra Region, Ghana

Mahilig magbasa, manahi, at gumawa ng mga burloloy.