Digital Lamang: Kumonekta
Brigham G. L.
17, Lima Region, Peru
Larawang kuha ni Miguel Pachas
Naglaro ako bilang goalie sa isang football [soccer] tournament. Ang mga kaibigan ko sa team ay barumbado kung minsan. Maaari silang magpakita ng masasamang pag-uugali at init ng ulo.
Isang araw, medyo kinabahan ako bago nagsimula ang laro namin. Bago kami naglaro, nagpasiya akong lumayo sa mga kaibigan ko at magdasal. Nagdasal ako kahit alam ko na pagtatawanan ako ng mga kaibigan ko kapag narinig nila ako. Hindi nagtagal, narinig ko ang dalawa sa kanila na nagbubulungan at nag-uusap tungkol sa akin. Pero narinig kong may nagsabing, “Si Brigham ay isang mananampalataya. Hayaan ninyo siya.”
Nang marinig ko iyan, naging napakasaya ko. Nang matapos akong magdasal, sinabi ko, “Handa na ako.” Pinagpala ako ng Panginoon noong araw na iyon, at mahusay kaming naglaro at nanalo. Binati ako ng mga kaibigan ko, at naging masaya ako. Pag-uwi ko, nagdasal ako sa Panginoon para magpasalamat.