Masayang Bahagi
Larawang-guhit ni Camdyn Miller
Caption Contest
“Isang mabuting gamot ang masayang puso” (Mga Kawikaan 17:22). Pasayahin ang puso ng iba sa pamamagitan ng pagpapadala ng iyong nakakatawang caption para sa retratong ito. Ipadala sa email ang iyong ideya sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org bago sumapit ang Marso 15.
Narito ang mga nanalong caption sa contest noong Oktubre 2024.
Sam J.: “Ang hitsura ko noong sinusubukan kong ayusin ang mga problema ko nang walang tulong ng Panginoon.”
Liam A.: “Kapag ang kinapitan mo ay hindi gabay na bakal.”
Peyton, Evan, at Ty H.: “Dapat ay nakinig ako sa pahiwatig na iyon.”
Johnny B.: “Nahanap ko ang problema!”
Rachel A.: “Balak ko lang mag-charge ng telepono.”
Moises W.: “Kapag gusto kong magpasikat sa mga babae, ganito lagi ang nangyayari (patalinghaga).”
Kaylee N.: “Ang hitsura ko nang hiniling sa akin ng titser na tulungan ko siyang paandarin ang video para sa Young Women class.”
David W.: “Ang titser sa Sunday School matapos magturo ng lesson sa mga deacon.”
Jacqueline D.: “Ang naisip kong larawan nang unang sabihin ng mga magulang ko ang mga salitang ‘binyag sa pamamagitan ng apoy.’”
Joshua G.: “Mukhang hindi ito ang kawad na tatanggalin para hindi sumabog ang bomba.”
Olivia J.: “Ang hitsura ko nang sinusubukan kong tulungan ang tatay ko na ayusin ang kotse.”
Morgan K.: “Ito si Phil, lider ng Special Effects Department.”
Nahum T.: “Huwag hayaang sunugin ng internet ang iyong integridad.”
Eloise B.: “Bakit ba ako nag-apply sa trabahong ito?”
Mary H.: “Bigyang-kahulugan ang salitang madali.”
Ethan B.: “Ito ba ang dahilan kaya wala tayong internet?”
Linus W.: “Hindi na ako maglalaro ng tug-of-war kahit kailan.”
Oliver J.: “Kinukunan mo ba ako ng retrato? Siguraduhin mong makunan ang magandang anggulo ko.”
Stephen B.: “Ang hitsura ko kapag nakagawa ako ng malaking pagkakamali.”
Holden B.: “Mali ang nabunot ko!”
Adair H.: “Lagot ka sa akin, Perry the Platypus!”
At tingnan ang iba pang magagandang caption sa digital na magasin!
Matematika sa Lumang Tipan
Maraming matututuhan mula sa mga kuwento sa Lumang Tipan—kabilang na ang ilang kawili-wiling impormasyon tungkol sa numero. Saliksikin ang iyong Biblia para masagot ang palaisipan at alamin kung gaano katagal nabuhay sa mundo si Noe.
-
Bilang ng taon na nabuhay si Abraham (tingnan sa Genesis 25:7)
-
Edad ni Sara nang malaman niya na magkakaroon siya ng anak (tingnan sa Genesis 17:17)
-
Bilang ng taon na nabuhay si Isaac (tingnan sa Genesis 35:28)
-
Edad ni Jose nang humarap siya sa hari ng Egipto (tingnan sa Genesis 41:46)
-
A + B + C + D =
Bilang ng taon na nabuhay si Noe = E x 2
Hanapin ang Pagkakaiba: Arka ni Noe
Iniutos ng Diyos kay Noe na gumawa ng arka (tingnan sa Genesis 6; 7; 8). Hanapin ang 10 pagkakaiba ng dalawang larawan.
Komiks
Sister, mas marami tayong matatapos na trabaho kung hindi tayo makikipaglaro sa napakaraming aso …
Oo, pero sabi sa mga banal na kasulatan dapat nating ipangaral ang ebanghelyo sa bawat nilikha!
Derek Smith
Mga Sagot
Math sa Lumang Tipan: A=175, B=90, C=180, D=30, E=475. Si Noe ay nabuhay nang 950 taon.