Pinili Kong Tanggapin ang Aking Endowment sa Edad na 18
At masaya ako na ginawa ko iyon!
Nagpasiya akong gusto kong matanggap ang aking endowment sa templo nang mag-18 taong gulang ako. Itinuro sa akin ng pangkalahatang kumperensya na ang mga tipan sa templo ay mas maglalapit sa atin sa Tagapagligtas, na siya mismong hinahanap ko.
Alam ko na napakalaking responsibilidad ang makipagtipan sa Panginoon, kaya gusto kong matiyak na ang mga tipan sa templo ang siyang gusto kong ipangakong gawin. Kinausap ko ang bishop ko, nag-aral, at dumalo sa kurso sa paghahanda sa templo. Nang maunawaan ko ang mga pangakong gagawin ko, nadama kong handa na ako. Handa akong tuparin ang pangako ko.
Nagpunta ako sa templo sa Lisbon, Portugal, na mga tatlo’t kalahating oras ang layo. Napakagandang karanasan iyon. Maaaring hindi ko naunawaan ang lahat dahil unang pagkakataon iyon, pero nadama ko ang pagmamahal ng Diyos, at naunawaan ko kung sino talaga ako: anak ng Diyos na may pambihirang potensiyal.
Hindi natin kailangang maghintay hanggang sa maging perpekto tayo para bumaling sa Kanya. Ang pagpunta sa templo sa unang pagkakataon, para sa ating sarili, ay sandali ng malaking pag-unlad. Talagang pinalalakas nito ang ating ugnayan kay Cristo. Kaya sa palagay ko, ang sinumang may hangarin ay dapat ipagdasal ito at maghanda, at kung iyon ang hangarin nila, ang templo ang pinakamainam na lugar na dapat nilang puntahan.
Ang awtor ay naninirahan sa Porto District, Portugal.