Kumonekta
José Q.
17, Lima Region, Peru
Larawang kuha ni Miguel Pachas
Noong mga 10 taong gulang ako, marami akong tanong tungkol sa ebanghelyo. Pagkatapos ay sinabi sa akin ng tito ko na hindi ako dapat magtuon lamang sa mga tanong ko kundi patuloy akong manampalataya, at madarama ko sa sarili ko na nangungusap sa akin ang Diyos.
Hindi nagtagal ay hiniling sa aking ibahagi ang mga titik ng himnong “Ako’y Naniniwala kay Cristo” sa stake conference. Nang ginawa ko ito, nanginig ang boses ko at nadama kong nangungusap ang Espiritu sa pamamagitan ko. Pagkatapos ng kumperensya, tumakbo ako at niyakap ko ang aking kuya. Nagsimula akong umiyak nang sabihin niyang, “O, nakita mo na? Naniniwala ka sa Diyos.” Natanggap ko ang mga sagot sa mga tanong ko sa himnong iyon. Nadama ko na totoo ang Diyos at si Jesucristo. Kailangan ko lang paalalahanan ang sarili ko.
Huwag tumigil sa pagsisimba, gaano man ito kahirap. Sikaping mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng panalangin at pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Laging humawak nang mahigpit sa ebanghelyo at huwag kalimutan kailanman kung saan ka nagmula.