Para sa Lakas ng mga Kabataan
Isang Espirituwal na Kalasag
Para sa Lakas ng mga Kabataan Pebrero 2026


Digital Lamang: Mga Tinig ng mga Kabataan

Isang Espirituwal na Kalasag

Dalawang tao sa aking silid sa paaralan ang minsan nang nagsimulang magtalo. Nagmumurahan sila talaga. Ayaw ko talaga nang ganito, pero walang titser sa paligid at hindi ako makaalis sa silid-aralan, kaya yumuko ako at nagdasal. Hiniling ko sa Panginoon na tulungan akong balewalain sila at kalimutan ang kanilang mga salita.

Pagkatapos kong manalangin, dumating ang hall monitor at pinahinto niya ang argumento. Mabilis kong nakalimutan ang alinman sa mga salitang sinabi ng mga bata. Inalis ng Panginoon ang mga pangit na salitang iyon sa isipan ko.

Pinipilit ni Satanas na hilahin tayo pababa sa maraming paraan, pero ang Espiritu Santo ay parang kalasag laban sa kanya. Kaya ayaw kong mapaligiran ng anumang bagay na nagtutulak sa akin palayo sa Espiritu. Kung nasa atin ang Espiritu, hindi hahayaan ng Panginoon na mangibabaw ang kasamaan sa atin. Narito ang Ama sa Langit, si Jesucristo, at ang Banal na Espiritu para protektahan tayo.

kabataang lalaki

Rafael F., 13, Paraná, Brazil

Mahilig sa ping-pong, karate, at pagtugtog ng piyano.