Digital Lamang: Kumonekta
Poerani S.
17, Tahiti, French Polynesia
Mga larawang-kuha ni Stephane Sayeb
Kapag nagsisimula ang karamihan sa mga tao sa hayskul, masaya sila dahil ibig sabihin nito ay lumalaki sila. Pero para sa akin, hindi iyon ang sitwasyon. Talagang mahirap sa akin ang unang taon ko sa hayskul dahil halos wala akong kilala sa klase ko at madalas akong mag-isa. Kaya isa ito sa pinakamahihirap na sandali ng buhay ko.
Bumaling ako sa Panginoon at nagdasal gabi-gabi. At sa paaralan, kapag hindi maganda ang pakiramdam ko dahil nag-iisa ako, uupo ako sa isang bangko at nagdarasal sa puso ko na tulungan ako ng Ama sa Langit na bumuti ang pakiramdam ko.
Tuwing magdarasal ako, nadarama ko ang pagmamahal ng Ama at ng Kanyang Anak na si Jesucristo, at talagang nakatulong iyon sa akin. Sinagot din ako ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tao sa aking landas. Nakilala ko ang isang kaibigang tumulong sa akin na gumaan ang pakiramdam ko, at naalis ang bigat na dala-dala ko.
Alam ko na may iba pang mga taong katulad ko, at ang gusto kong sabihin sa kanila ay nalampasan ko ito. Ang tanging nakatulong sa akin ay ang pagbaling kay Jesucristo at sa Ama sa Langit. Alam ko na kung gagawin din nila iyan, madarama nila ang lahat ng pagmamahal sa kanila ng Ama sa Langit at ng Kanyang Anak na si Jesucristo.