Para sa Lakas ng mga Kabataan
Paggalang sa Aking Katawan
Para sa Lakas ng mga Kabataan Enero 2026


Mga Tinig ng mga Kabataan

Paggalang sa Aking Katawan

dalagitang nakatingin sa kanyang sarili sa salamin

Larawang-guhit ni Katelyn Budge

Nag-aaral ako sa isang paaralan kung saan maraming babae ang madalas manamit nang mahalay, umiinom ng kape, at pumipili ng hindi ayon sa pinahahalagahan ko.

Ang gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan ay nakatulong sa akin na manatiling tapat sa mga kautusan at paniniwala ko. Halimbawa, sinusunod ko ang Word of Wisdom, kaya kapag niyaya ako ng mga kaibigan ko na uminom ng kape, magalang akong tumatanggi. Kapag nagmumungkahi sila ng ilang uri ng kasuotan, pinipili ko ang mga damit na komportable ako at disenteng suutin. Naniniwala ako na mahalaga ang kadisentehan dahil ang ating katawan ay mga templo. Kapag pinipili kong manamit nang disente, nagpapakita ako ng paggalang sa aking katawan at pasasalamat sa Diyos.

Sinisikap kong ipamuhay ang mga turo ng ebanghelyo araw-araw, at kapag nahaharap ako sa mga hamon, bumabaling ako sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan para sa patnubay at paghahayag. Alam ko na mahal tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Palagi tayong gagabayan at poprotektahan ng Ama sa Langit kapag bumaling tayo sa Kanya. Kahit sa maliliit na paraan, pinagpapala Niya tayo araw-araw.

dalagita

Mamello M., edad 16, Gauteng Province, South Africa

Mahilig maglaro ng chess, mag-bake, maglaro ng mga instrumento ng musika, mag-aral ng iba’t ibang wika, mag-aral ng astronomiya, maglaro ng field hockey, at lumikha ng sining.