Para sa Lakas ng mga Kabataan
Pagkatuto Matapos Pumanaw ang Lola Ko
Para sa Lakas ng mga Kabataan Enero 2026


Mga Tinig ng mga Kabataan

Pagkatuto Matapos Pumanaw ang Lola Ko

kabataang babae sa harapan ng templo

Larawang-guhit ni Katelyn Budge

Ang pagkamatay ng lola ko ay napakasakit para sa akin. Napakalapit namin sa isa’t isa. Talagang nalungkot ako. Pakiramdam ko ay nawala na ang pag-asang kailangan ko.

Bago siya pumanaw, hindi ako talaga matatag sa ebanghelyo ni Jesucristo. Nakaasa ako sa mga patotoo ng ibang tao. Pero sa unang linggong iyon na nagdadalamhati ako, nagpunta ako sa isang klase sa relihiyon kung saan nagturo ang isang guro tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa plano ng kaligtasan ng Ama. Nalaman ko na makikita kong muli ang lola ko. Maaari kaming magkasamang muli sa kabilang-buhay sa pamamagitan ng mga ordenansa sa templo.

Pinalakas nito ang aking patotoo. Sinimulan kong mas magtuon sa aking Tagapagligtas na si Jesucristo at alamin pa ang tungkol sa Kanyang ebanghelyo. Ngayon humahanap ako ng mga sagot sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan at Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Gustung-gusto kong makinig sa mga mensahe sa kumperensya, lalo na sa propeta, si Pangulong Russell M. Nelson. Kapag nakikinig ako sa mga mensahe, nagtitiwala sa mga banal na kasulatan, nagdarasal at nagninilay, at humihingi ng gabay ng Espiritu Santo, nagiging malakas ang aking patotoo.

Tinulungan din ako ng seminary na matuto at magsikap na maging katulad ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo, nang kumilos ako nang may pananampalataya, tiningnan ang mga bagay-bagay mula sa walang-hanggang pananaw, at naghangad ng karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng itinalagang sources.

Magtiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Huwag lamang umasa sa sarili mong kaalaman kundi sa Kanila. Matutulungan at magagabayan Nila tayo sa anumang pagsubok o paghihirap na maaari nating maranasan.

dalagita

Suzanne Q., edad 17, Central Division, Fiji

Mahilig magdrowing, gumawa ng mga handicraft, mag-painting, magdisenyo, mag-aral tungkol sa kasaysayan, at maglaro ng basketball.