Para sa Lakas ng mga Kabataan
Walk with Me [Lumakad Kang Kasama Ko]: Theme Song ng mga Kabataan sa 2026
Para sa Lakas ng mga Kabataan Enero 2026


Tema ng mga Kabataan sa 2026

Lumakad Kang kasama Ko

Theme Song ng mga Kabataan sa 2026

dalagita

Ang mga kabataan mula sa iba’t ibang bansa sa Africa ay itinampok sa video ng musika ng Tema ng mga Kabataan sa 2026.

‘Pag apoy ay sinuong

At mga paa’y hapo,

May bukal ng pagpapala

Na hihilom sa puso.

Mga yapak ni Cristo

At liwanag N’ya’y gabay.

Tinatawag N’ya kayo.

Sabi niya,

[Koro:]

Lumapit,

Samahan n’yo ‘Ko sa paglakad.

Lumapit;

Tutulungan Ko kayo.

O, kumapit

T’wing kayo ay may pasanin,

Lumapit,

Sasamahan Ko kayo.

Sinikap N’yang hanapin

Ang tupang nawala

Lumbay Kanyang pinawi,

Mundo’y inibig N’ya.

‘Pag sa Kanya’y sumama,

Kayo ay lalakas.

Tinatawag N’ya kayo.

[Koro:]

Lumapit,

Samahan n’yo ‘Ko sa paglakad.

Lumapit;

Tutulungan Ko kayo.

O, kumapit

T’wing kayo ay may pasanin,

Lumapit,

Sasamahan Ko kayo.

Lumapit kayo

Nahihirapan ka ba? May sinisimulan ka bang bago, nakakatuwa, o medyo nakakatakot?

Hindi mo kailangang pagdaanan ang lahat ng ito nang mag-isa.

Ang iyong Tagapagligtas na si Jesucristo ay lalakad na kasama mo sa anumang bagay na kinakaharap mo.

Inaanyayahan ka Niya na lumakad kasama Niya.