Digital Lamang: Mga Tinig ng mga Kabataan
Noong Nagpanik Ako Tungkok sa Kinabukasan Ko, Tinulungan Ako ng Diyos
Parang gumuguho ang mundo ko sa simula ng aking senior year. Sa gitna ng mga aplikasyon at scholarship sa kolehiyo, talagang nakibaka ako sa pagkabalisa at sobra akong nag-isip tungkol sa bawat desisyon na ginagawa ko. Gusto kong piliin ang perpektong landas para hindi ako mabigo.
Pagkatapos, sa isang high school basketball game, nagkaroon ako ng panic attack. Madilim ang kinaroroonan ko sa labas at pakiramdam ko ay nalulunod ako. Ang sandaling iyon ang pinaka-nakakatakot na bahagi ng buhay ko. Pero nagpadala ang Ama sa Langit ng isang tao na tutulong sa akin—isang military veteran na nakauunawa sa sitwasyon ko at mabilis na kumilos nang makita na nahihirapan akong huminga.
Pagkatapos, humingi ako ng tulong sa halip na gawin ang lahat nang mag-isa. Naghanap ako ng mga sagot at kapanatagan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan at pagdalo sa seminary. Natutuhan kong madama na karapat-dapat akong pumasok sa templo at tanggapin ang aking patriarchal blessing sa pamamagitan ng pagpokus sa kaugnayan ko sa Ama sa Langit.
Kilala Niya ako. Nakikita Niya ako, at may plano Siya para sa akin at sa lahat ng Kanyang mga anak. Kung minsan, maaaring ikaw ay humihikbi sa dilim. Pero nariyan ang Diyos. Ikaw ay minamahal na anak ng Diyos, at may banal na gawain Siyang ipagagawa sa iyo.
Brooklynn S., edad 17, Washington, USA
Mahilig sa cross country running, wrestling, weight training, paggawa ng origami, pagkutingting ng mga kotse, at pagsusulat sa journal.