Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ang Pagkahulog: Adan at Eva
Para sa Lakas ng mga Kabataan Enero 2026


Mga Kuwento mula sa Lumang Tipan

Ang Pagkahulog: Adan at Eva

Moises 2–4; Genesis 2–3

Ang Pagkahulog: Adan at Eva

I-download ang PDF

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill

Ang Kanilang Kuwento

Ang Halamanan

Sina Adan at Eva ay nanirahan sa Halamanan ng Eden—isang magandang halamanan kung saan hindi sila makararanas ng sakit, hirap, kamatayan, o kagalakan. Maaari din nilang tamasahin ang presensya ng Diyos.

Ang Tukso

Iniutos sa kanila ng Ama sa Langit na magkaroon ng mga anak at huwag kumain ng bunga mula sa “punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.” Tinukso ni Satanas sina Eva at Adan na kumain ng bunga.

Ang Pagpili

Pinili nina Adan at Eva na kainin ang bunga. Kailangan nilang lisanin ang halamanan at ang presensya ng Diyos, dumanas ng paghihirap, at kalaunan ay mamatay. Ngunit maaari din silang makadama ng kagalakan, makasunod sa utos ng Diyos na magkaroon ng mga anak, at sumulong tungo sa buhay na walang hanggan.

Ang Plano

Noong una, nagtago sina Adan at Eva. Ngunit nang malaman nila ang tungkol sa plano ng Ama sa Langit, alam nila na ang kanilang pinili ay nagtulot sa mga anak ng Ama sa Langit na pumarito sa lupa. Nalaman nila na isusugo ng Ama sa Langit si Jesucristo upang iligtas sila (at tayo) mula sa ating kasalanan at kamatayan.

Ang Kuwento Mo

Tulad nina Adan at Eva, nabubuhay ka sa mundong puno ng paghihirap at tukso, at kung minsan, maaaring sa pakiramdam mo ay kailangan mong magtago o matakot. Ngunit dahil kay Jesucristo, maaari kang magsisi at magbago. Balang-araw ay mabubuhay kang muli at makababalik upang makapiling Siya.