Kumonekta
Anavai H.
17, Tahiti, French Polynesia
Mga larawang-kuha ni Stéphane Sayeb
Nagdiborsyo ang mga magulang ko, at ito ay napakalungkot na pangyayari na nakaapekto sa batang puso ko. Napakahirap para sa akin dahil ayaw kong maghiwalay sila, pero natagpuan ko ang kapanatagang kailangan ko kay Cristo. Tunay na espirituwal na lifeline ito!
Sa mahihirap na panahong iyon, nakasumpong ako ng kapangyarihan sa mga salita ni Cristo. Ang mga aral na natanggap ko mula sa mga magulang ko at mga lider ay nakatulong sa akin na manatiling nakatuon sa Kanyang mga turo. Ang ebanghelyo ay naging muog kung saan maaari akong humugot ng lakas—lakas na kailangan para patuloy akong manampalataya sa kabila ng mga unos sa pamilya.
Ngayon, patuloy akong nagagalak sa pamamagitan ng ebanghelyo at mga karanasan sa templo. Gusto kong matuto pa ng tungkol kay Cristo. Gusto kong mas makilala pa Siya at, higit sa lahat, sundan ang Kanyang mga yapak. May patotoo ako na ginagabayan ni Cristo ang ating mga landas at tutulungan Niya tayong manatiling nakasentro sa Kanya, sa kabila ng mga pagsubok.