Mga Tinig ng mga Kabataan
Pagkautal sa Panalangin sa Sakramento
Larawang-guhit ni Katelyn Budge
May problema ako sa pagsasalita kaya nauutal ako sa iba’t ibang pagkakataon, pati sa pagbabasbas ng sakramento. Noong una, talagang hamon iyon sa akin. Naisip ko pa nga na huwag na lang magbasbas ng sakramento.
Pero sinimulan kong magdasal sa Ama sa Langit. Palagi akong nananalangin sa Kanya, humihingi ng tulong sa Kanya. Pinatototohanan ko na pinakikinggan Niya ang ating mga dalangin. Kalaunan, hindi na ako gaanong nauutal.
Paminsan-minsan ay nauutal pa rin ako, pero tinutulungan ako ng Tagapagligtas na makayanan ang hamong ito. Sa pamamagitan ng Kanyang pagdurusa sa Halamanan ng Getsemani, nauunawaan Niya ang nadarama ko sa sitwasyong ito.
Nararanasan ko rin ang hamong ito sa paaralan. Mahirap sa simula dahil pinagtatawanan ako ng mga tao. Pero nadama ko sa buhay ko ang pagmamahal ng Tagapagligtas. Pinanatag at tinulungan Niya ako.
Daniel S. A., edad 17, Rio de Janeiro, Brazil
Mahilig maglaro ng basketball, magbasbas ng sakramento, at magdaos ng mga family home evening.