Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta kay ... Unutea mula sa Tahiti
Para sa Lakas ng mga Kabataan Enero 2026


Digital Lamang: Kumonekta

Unutea J.

15, Tahiti, French Polynesia

kabataang babae

Larawang-kuha ni Stephane Sayeb

Isang hapon iyon, at naaalala ko ito na para bang kahapon lang. Sinabihan ako ng nanay ko na umupo at makinig dahil may itatanong siya sa akin. Katatanggap lang niya ng email na humihiling sa akin na magbigay ng mensahe sa stake conference. Nang sabihin niya ito sa akin ay talagang nagulat ako: ayaw kong magsalita sa harap ng mga tao. Tiningnan ko siya na may nanlalaking mga mata.

Binigyan niya ako ng oras para pag-isipan ito at magtanong sa Panginoon. Sinabi rin niya sa akin na napakagandang paraan ito para maanyayahan ang tatay ko, na hindi miyembro, na dumalo sa aming stake conference sa unang pagkakataon. Kaya pinag-isipan ko ito, at magkasama kaming nagdasal ni nanay.

Pumayag akong magsalita sa kumperensya. Pagkatapos niyon, nag-ayuno at nagdasal kami nang husto bilang pamilya para mabigyang-inspirasyon ako ng Espiritu at para magkaroon ng epekto ang mensahe ko sa buhay ng mga tao, lalo na sa tatay ko.

Alam kong naantig ang tatay ko noong araw na iyon. Nang ibigay ko ang aking mensahe, tiningnan ko siya sa mata para makita niya na ang mga salita ko at pananampalataya sa Diyos, gaano man kalaki o kaliit, ay tunay.

Alam kong mahal ako ng Tagapagligtas dahil lagi Siyang nariyan para sa akin, lalo na sa pagsubok na ito. At kahit may mga pag-aalinlangan ako, alam kong palagi Siyang nariyan para sa akin. Anuman ang sitwasyon ko, ang dapat ko lang gawin ay bumaling sa Kanya nang may matapat na puso.