Para sa Lakas ng mga Kabataan
Isang Bagong Taon
Para sa Lakas ng mga Kabataan Enero 2026


Isang Bagong Taon

Emily Belle Freeman

Enero na! Bagong taon. Panahon ng mga bagong simula.

Siguro magtatakda ka ng mithiin para sa bagong taon na ito. Pumipili ang ilang tao ng isang salita na kumakatawan sa kanilang mga hangarin para sa darating na taon. Sa taong ito, ang mga kabataan sa buong mundo ay magtutuon sa isang talata ng banal na kasulatan: Moises 6:34, “Lumakad kang kasama ko.” Ito ay isang paanyayang ibinigay sa propetang si Enoc.

Habang naglalakbay si Enoc sa lupain, napasakanya ang Espiritu ng Diyos. Pagkatapos ay nangusap sa kanya ang Panginoon. Itinuro Niya sa kanya ang tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan, na magbibigay ng layunin at kahulugan sa buhay. Nang matapos ilarawan ng Panginoon ang Kanyang plano, ibinigay Niya kay Enoc ang isang paanyaya: “Lumakad kang kasama ko.”

Sa paglalakbay ninyo sa bagong taon na ito, siguro matatagpuan ninyo ang inyong sarili na naghahanap ng kaligayahan, layunin, at kahulugan. Maaari kang matuto mula sa kuwento ni Enoc at anyayahan ang Panginoon na maging bahagi ng iyong paglalakbay sa taong ito.

Maaari mong piliing lumakad na kasama Niya. Kapag ginawa mo ito, naghihintay ang mga pagpapala.

Magiging magandang taon ito.

Nagmamahal,

Emily Belle Freeman

Young Women General President