“Ang Ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo,” Liahona, Ene. 2025.
Paggamit ng mga Magasin ng Simbahan
Ang Ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo
Ang pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ngayong taon ay bibigyang-diin kung paano ipinanumbalik ng Panginoon ang Kanyang Simbahan at ebanghelyo sa pamamagitan ng mga propeta sa mga huling araw. Maraming artikulo sa isyu ng buwang ito ang nagtatampok sa mga pagpapala ng Pagpapanumbalik.
Mga Aral sa Artikulong Ito
Lumahok sa Pagtitipon
Sa pahina 2, ibinahagi ni Pangulong Russell M. Nelson ang mga paraan na maaari tayong magtipon tungo sa Tagapagligtas, magtipon na kasama ng mga Banal, at magtipon sa paglilingkod sa Diyos. Isiping magtakda ng mithiin para sa buwang ito para makatulong sa isa sa tatlong uri ng pagtitipong iyon.
Maglingkod sa Ipinanumbalik na Simbahan
Nagsalita si Elder Patrick Kearon ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa mga oportunidad natin sa ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo na “maglingkod sa iba nang may pagmamahal” (tingnan sa pahina 8). May mga tao ba sa inyong ward o branch na nahihirapan? Maaari ninyong ipagdasal ang mga taong ito at humingi ng inspirasyon kung paano sila paglilingkuran.
Matuto mula sa Proklamasyon ng Pagpapanumbalik
Noong 2020, inilabas ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol ang “Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo” (tingnan sa pahina 40). Habang nirerebyu mo ang proklamasyon ng Pagpapanumbalik, maaari mong pag-isipan ang mga tanong na ito: Anong mahahalagang pangyayari ang binabanggit nito, at paano ginabayan ng Panginoon ang mga pangyayaring iyon?
Mula sa Magasing Para sa Lakas ng mga Kabataan
Pasisimulan ng mga Young Women at Young Men General Presidency at iba pa ang tema ngayong taon.
Ano ang matututuhan natin mula sa iba’t ibang salaysay ni Joseph Smith tungkol sa kanyang Unang Pangitain?
Tingnan ang ilan sa mahahalagang kaganapan sa patuloy na Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo.
Maaaring ipakita ng isang piraso ng papel sa mga kabataan kung paanong ang pagtitiwala sa Diyos ang pinakamainam gawin kapag hinamon ang kanilang mga paniniwala o nagkaroon sila ng nakalilitong mga tanong.
Mula sa Magasing Kaibigan
Tulungan ang iyong mga anak na gumawa ng isang craft para malaman ang tungkol kay Joseph Smith at sa Pagpapanumbalik.
Gumawa ng isang nakalulusog na putahe na makakain ninyo ng iyong pamilya at mangangalaga sa inyong katawan.
Magbasa tungkol sa isang batang babae na nadama ang pagmamahal ng Diyos kahit hindi nasagot ang kanyang mga panalangin sa paraang gusto niya.
Tingnan ang bagong serye tungkol sa kasaysayan ng Simbahan at sa Doktrina at mga Tipan, simula sa Unang Pangitain.