“Liège, Belgium,” Liahona, Ene. 2025
Narito ang Simbahan
Liège, Belgium
Ang ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo ay malamang na unang dumating sa Belgium nang magsimulang turuan ng isang Banal sa mga Huling Araw mula sa Turkey na si Mischa Markow ang pamilya Esselman noong 1888. Matapos silang mabinyagan, nagsimulang maglingkod ang mga missionary sa Switzerland at Germany sa Belgium. Sa loob ng dalawang buwan, 80 tao ang sumapi sa Simbahan, at inorganisa ang mga kongregasyon sa Liège, Brussels, at Antwerp. Ngayon, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Belgium ay may:
-
6,600 miyembro (humigit-kumulang)
-
2 stake (11 ward, 2 branch)
-
1 templo (ibinalita noong 2021, na itatayo sa Brussels)
Mga Pagpapalang Dulot ng Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Sabi ni Karen Wery ng Namur Ward tungkol sa kanyang pamilya: “Sama-sama naming pinag-aaralan ang aming mga banal na kasulatan at ibinabahagi ang aming mga saloobin at inspirasyon sa isa’t isa. Ginagamit namin ang mga banal na kasulatan pero pati na rin ang mga video at iba pang resources, tulad ng magasing Kaibigan, para tulungan ang aming mga anak na mas maunawaan ang doktrina. Ang pinakamalaking epekto sa amin ay ang paglago ng pagkakaisa sa bahay namin.”