2025
Ang Patuloy na Pagpapanumbalik
Enero 2025


Ang Patuloy na Pagpapanumbalik

Ang Malawakang Apostasiya

mga guho

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill

Tinalikuran ng mga tao ang Tagapagligtas at ang Kanyang mga Apostol. Nagkaroon ng espirituwal na pagkabulok ang Simbahan at wala na sa lupa.

landas sa kakahuyan

1820

Ang Unang Pangitain: Nagpakita ang Diyos Ama at si Jesucristo sa 14-anyos na si Joseph Smith.

ang anghel na si Moroni at ang mga laminang ginto

1823

Nagpakita ang anghel na si Moroni kay Joseph Smith, at sinabihan siya nito tungkol sa mga laminang ginto.

sertipiko

1829–1830

Ipinanumbalik ang Aaronic Priesthood at Melchizedek Priesthood.

Isinalin ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon (sa loob ng mga tatlong buwan!), at nalathala ito.

Opisyal na inorganisa ang Simbahan noong Abril 6, 1830.

6 na opisyal na miyembro noong una; hindi nagtagal, naging 280 na

Mga Apostol

1835–1836

Inorganisa ang Korum ng Labindalawang Apostol.

Inilathala ang Doktrina at mga Tipan.

Nagpakita ang Tagapagligtas, sina Moises, Elias, at Elijah sa Kirtland Temple at ipinanumbalik ang mga susi ng priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 110).

Mahigit 13,000 miyembro

1 templo

pahayagan

1840–1842

Itinuro sa publiko ang mga binyag para sa mga patay.

Itinatag ang Relief Society.

Ibinigay ang mga unang buong temple endowment.

1869–1880

Inorganisa ang mga programa ng naunang Young Women at Young Men.

Tinanggap ang Mahalagang Perlas bilang isang pamantayang kasulatan.

Mahigit 133,000 miyembro

1 templo

1936

Nagsimula ang welfare program ng naunang Simbahan.

Mahigit 760,000 miyembro

7 templo

mga taong magkakahawak-kamay sa paligid ng templo

1978

Inialok ang mga ordenansa sa templo sa lahat ng karapat-dapat na miyembrong adult, at inialok ang ordinasyon sa priesthood sa lahat ng karapat-dapat na lalaki.

Mahigit 4 milyong miyembro

17 templo, kabilang na ang nasa Switzerland, New Zealand, England, at Brazil

proklamasyon

1995

Inilabas ang Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo.

Mahigit 9.25 milyong miyembro

47 templo, na nakakalat sa mahigit 6 na kontinente

mga missionary name tag

2012

Ibinaba sa 18 ang edad ng pagmimisyon mula sa 19 para sa mga lalaki at sa 19 mula sa 21 para sa mga babae.

Mahigit 14.5 milyong miyembro

140 templo

templo at orasan

2018–2020

Binigyan ang mga kabataan ng pinalawak na oportunidad na makapaglingkod sa templo.

Ang iskedyul ng Linggo ng Simbahan ay pinaikli mula 3 ay naging 2 oras.

Mahigit 16.5 milyong miyembro

168 na templo

globo

2025

Patuloy pa rin ang Pagpapanumbalik! May mga miyembro ng Simbahan sa mahigit 200 na mga bansa at teritoryo, na nagsasalita ng mahigit 700 wika!

Noong Abril 2024: 189 templo ang inilaan, 161 pa ang ibinalita (350 sa kabuuan).

Mahigit 17.25 milyong miyembro