Paghahanap ng Mga Sagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Kasaysayan ng Simbahan
Kahit may mga tanong ako, hindi ako sumuko o bumigay.
Sa history class ko, nagsimulang magsalita ang teacher ko tungkol sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Hindi maganda ang opinyon niya tungkol sa Simbahan. Mga polygamist at racist daw tayo.
Lahat ng nalaman ko noon tungkol sa Simbahan ay nagkaroon ng katuturan sa akin. Pero dahil sa karanasan ko sa klase, naisip ko ang ilang mahihirap na tanong mula sa kasaysayan ng Simbahan, tulad ng bakit hindi pinayagan ang mga taong itim ang balat na magkaroon ng priesthood sa loob ng ilang panahon, at bakit nangyari ang maramihang pag-aasawa.
Dahil doon, nagsimula akong mag-isip, magnilay-nilay, at magdasal. Nagbasa ako ng mga banal na kasulatan, kinausap ko ang aking mga magulang at lider, at marami pa akong natutuhan. Kahit may mga tanong ako, hindi ako sumuko o bumigay.
Habang nag aaral at natututo ako, dama ko na tinutulungan ako ng Diyos. Hindi ko pa rin lubos na nauunawaan ang lahat, pero nakadama ako ng kapayapaan.
Ngayon kapag may mga tanong ako, kumakapit ako sa alam ko na, tulad ng lahat ng karanasan na nagpalago sa aking patotoo. Kapag mayroon akong hindi maunawaan, ang karaniwang una kong ginagawa ay magdasal, at pagkatapos ay sinisikap kong makinig sa Espiritu habang binabasa ko ang mga banal na kasulatan.
Nitong nakaraang taon, talagang nalaman ko ang kapangyarihan ng Espiritu, at nakadama ako ng kapayapaan at kapanatagan at pagmamahal. Alam ko na totoong may Diyos na nangungusap sa atin at nais na makauwi tayo.
Ang awtor ay naninirahan sa Texas, USA.