2025
Paghahanap kay Jesucristo
Enero 2025


Digital Lamang: Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Ang Pagpapanumbalik ng Kabuuan ng Ebanghelyo ni Jesucristo: Isang Proklamasyon sa Mundo para sa Ika-200 Taong Anibersaryo

Paghahanap kay Jesucristo

Habang pinag-aaralan mo ang Doktrina at mga Tipan sa taon na ito, subukang isipin ang Pagpapanumbalik sa ibang paraan gamit ang tatlong tanong na ito.

dalagitang nagninilay

Sa taon na ito ay pag-aaralan natin ang Doktrina at mga Tipan. Habang nag-aaral ka, narito ang tatlong tanong na makakatulong sa iyo na pag-isipan ang Pagpapanumbalik sa ibang paraan.

  • Bakit kinailangan ang Pagpapanumbalik?

  • Ano ang ibinibigay sa atin ng Pagpapanumbalik?

  • Ano ang kahalagahan sa akin ng Pagpapanumbalik?

Habang iniisip mo ang mga tanong na ito, narito ang ilang bagay na dapat ilarawan sa isipan.

Bakit Kinailangan ang Pagpapanumbalik?

Ilarawan ito sa isipan:

Sa gabi ng pagsilang ni Jesus, tumingin ka sa iyong bintana sa Jerusalem at nakita mo ang bagong bituin na nagniningning sa kalangitan.

Nang bumisita Siya sa Jerusalem sa unang pagkakataon, alam mo na may kakaiba sa Kanya—talagang nagliliwanag Siya sa kabutihan.

Nang ipahayag Niya kalaunan ang Kanyang banal na identidad bilang Tagapagligtas ng sanlibutan, sabik mong pinakinggan ang sasabihin Niya. Padalas nang padalas ang pagpunta at pakikinig mo sa Kanya, at sa tuwina, alam mo na Siya talaga ang Anak ng Diyos.

Nang marinig mo na Siya ay dinakip at ipinako sa krus, napaiyak ka sa kalungkutan; pero nang makita mo Siya na muling nabuhay, napaiyak ka sa kagalakan.

Ngayon ilarawan ito sa isipan:

Nag-time-travel ka nang libu-libong taon sa hinaharap. Ang taon ay 1820, at ang lahat ay hindi pamilyar: ang mga tao, kasuotan, kahit na ang pagkain. Pumasok ka sa mga tindahan, naghanap sa buong bayan para sa isang tao o isang bagay na maaaring alam mo, pero walang makatulong sa iyo.

Ang mas malala pa, ang kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo ay hindi matagpuan saanmang lugar. Sinasabi ng ilan na natagpuan nila ito, pero hindi nila eksaktong naaalala si Jesus—o ang Ama sa Langit—nang tama. Iniisip ng ilan na ang Diyos ay Espiritu, at iniisip naman ng iba pa na Siya ay nariyan lamang para parusahan ang mga tao sa kanilang mga pagkakamali. May ilan din na talagang hindi naniniwala sa Kanya.

Isa lang ang pumasok sa isipan mo: “Nasaan si Jesus, at paano ko Siya matatagpuan?”

Kailangan mo ng pagpapanumbalik—tulad ng lahat ng iba pa—para mahanap muli si Jesus at mas makilala Siya.

Ano ang Ibinibigay sa Atin ng Pagpapanumbalik?

Sa pagninilay tungkol sa ika-200 anibersaryo ng Unang Pangitain, tinanong ni Pangulong Jeffrey R. Holland, Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, ang kanyang sarili kung ano ang hahanapin niya kung nabuhay siya bago ang Pagpapanumbalik. Sabi niya, “Hahanapin namin ang ‘mapag-arugang katangian ng Diyos,’… isang mapag-arugang Ama sa Langit, sa halip na isang malupit na hukom na nagpapatupad ng mabagsik na katarungan.”

Nang magpakita ang Ama sa Langit kay Joseph Smith, ang unang sinabi Niya ay “Joseph” (tingnan sa Joseph Smith–Kasaysayan 1:17). Hindi Niya sinabi na “marami kang nagawang pagkakamali,” o “Wala akong oras para sa iyo.” Tila ang unang ginawa ng Ama sa Langit sa pagpapanumbalik ng ebanghelyo ay tiyaking alam ni Joseph na kilala siya ng kanyang Ama sa Langit at mahal siya.

Ang pangalawang bagay na ginawa Niya ay ipakilala si Jesucristo. “Ito ang Aking Pinakamamahal na Anak. Pakinggan Siya!” (Joseph Smith–Kasaysayan 1:17). Kabilang sa lahat ng doktrina, walang hanggang katotohanan, alituntunin, at organisasyon na ipapanumbalik, ang dalawang bagay na nais ng Diyos na malaman ni Joseph (at natin) nang hayagan ay:

  • Kilala ka nang personal at mahal ka ng Diyos.

  • Si Jesucristo ay Anak ng Diyos, at kailangan nating makinig sa Kanyang sasabihin.

Ang isang mahalagang layunin ng Pagpapanumbalik ay tulungan tayong malaman talaga kung sino ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

Ano ang Kahalagahan sa Akin ng Pagpapanumbalik?

Ilarawan pa ito sa isipan:

Napunta ka sa taong 1820. Lumipas ang mga araw, na naging mga linggo, mga buwan—at nagsisimula kang panghinaan-ng-loob. Natagpuan mo ang Biblia, na nagpapaalala sa iyo ng mga araw na nakaupo ka kasama si Jesus, nakikinig sa Kanya. Pero may mga bahagi na binago o kaya naman ay nawawala.

Nagpasiya kang manirahan sa isang maliit na bayan na tinatawag na Palmyra, New York. Isang araw ng tagsibol, may narinig ka tungkol sa isang batang lalaki na nagsabing nakita niya ang Diyos at si Jesucristo. Hindi ka interesado … sa una. Narinig mo na nalaman ng bata na wala sa mga simbahan sa mundo ang totoo kundi handa si Jesus na muling itatag ang Kanyang Simbahan, kasama ang Kanyang buong ebanghelyo!

Ano ang mararamdaman mo, nang malaman mo na muling nagpakita si Jesus? Ano ang magiging kahalagahan nito sa iyo?

Sa pamamagitan ng Pagpapanumbalik ng Simbahan ng Tagapagligtas, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, nakakakuha tayo ng mas malalim na kaalaman tungkol sa Tagapagligtas. Hindi natin kailangang maging time traveler para malaman kung sino si Jesus. Maaari nating saliksikin ang mga banal na kasulatan para mabasa ang Kanyang salita, at makatatanggap tayo ng mga pagpapala sa pamamagitan ng Kanyang awtoridad, ang ipinanumbalik na kapangyarihan ng priesthood.