Mga Tinig ng mga Kabataan
Isang Tunay na Kaibigan
Joel A., edad 19, Yerevan, Armenia
Mahilig sa paggawa ng sining, programming, at pag-aaral ng mga bagong kasanayan, tulad ng pagluluto.
May ilang kaibigan ako na pinagkaisahan ako noong nasa pagitan ako ng ikapito at ikasiyam na grado. Noong una hindi ko namalayan na pinagtatawanan nila ako, pero nang malaman ko iyon, nagulat ako at hindi ko maintindihan kung saan ako nagkamali.
Naisip ko na kung gagawin ko ang gagawin ni Cristo, magiging mas maayos ang lahat. Kaya patuloy akong naging mabait, tinulungan ko ang mga kaklase ko sa homework nila, at umasa ako sa Diyos, na nagtitiwala na balang araw ay magkakaroon ako ng isang mabuting kaibigan. Noong una, tila walang gaanong nagbago. Pero nang magsimula ako ng high school, mas mababait na ang mga kaklase ko.
Ang mas mahalaga, sa mga taon na iyon na naghahanap ako ng mga kaibigan, natuklasan ko na ang pinakamatalik kong kaibigan ay si Jesucristo. Kaya hindi lang ako nagkaroon ng mga bagong kaibigan sa paaralan, kundi nagkaroon din ako ng pinakamatalik na Kaibigan sa lahat.