“Ang Unang Pangitain,” Kaibigan, Enero 2025, 26–28.
Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Unang Pangitain
Mababasa mo ang kuwentong ito sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–20.
Noong binatilyo pa si Joseph Smith, maraming simbahan ang nagturo ng iba’t ibang bagay tungkol kay Jesucristo. Hindi alam ni Joseph kung aling simbahan ang sasalihan.
Isang araw, nabasa niya sa Biblia ang Santiago 1:5. Sabi roon kung kailangan natin ng karunungan, maaari tayong humingi sa Diyos. Nagpasiya si Joseph na gawin iyon.
Isang magandang araw ng tagsibol, nagpunta si Joseph sa kakahuyan para manalangin sa Ama sa Langit.
Lumuhod si Joseph at nagsimulang magdasal. Pero naramdaman niya ang kadiliman sa paligid niya. Natakot si Joseph. Humingi siya ng tulong sa Diyos.
Biglang nakita ni Joseph ang isang maningning na liwanag na bumababa mula sa langit. Nakita niya ang Ama sa Langit at si Jesucristo na nakatayo sa hangin. Binanggit ng Ama sa Langit ang pangalan ni Joseph. Pagkatapos ay itinuro Niya si Jesucristo at sinabi, “Ito ang Aking Pinakamamahal na Anak. Pakinggan Siya!”
Sinabi ni Jesus kay Joseph na huwag siyang sumapi sa alinman sa mga simbahan.
Tutulong si Joseph na ipanumbalik ang kabuuan ng ebanghelyo sa lupa.
Hindi na nalito si Joseph. Napuspos siya ng kaligayahan! Alam niyang mahal siya ng Diyos. Hindi naniniwala ang ilang tao na nakita niya ang Ama sa Langit at si Jesucristo, pero alam niya na ito ay totoo.