“Paano Ka Nakikipagkaibigan?” Kaibigan, Enero 2025, 38–39.
Mga Sagot mula sa Iyo
Paano Ka Nakikipagkaibigan?
Humingi kami ng ilang tip sa mga bata sa buong mundo tungkol sa pakikipagkaibigan. Narito ang sinabi nila.
Nakikipagkaibigan ako sa pamamagitan ng pagpapakilala sa aking sarili at paglilibot sa mga bagong lipat sa aming lugar. Sinisimulan kong kausapin sila at makipaglaro sa kanila. Isa akong mabuting kaibigan sa pamamagitan ng pagtulong sa aking mga kaibigan sa kanilang mga paghihirap at pagtulong sa iba na mas madama na sila ay kabilang.
Presley F., edad 10, British Columbia, Canada
Bumabati ako ng “hi” at niyayaya ko silang makipaglaro sa akin at magsaya.
Jett J., edad 8, Queensland, Australia
Magsabi muna ng “hello,” at maging mabait.
Rachel C., edad 9, South Cotabato, Philippines
Nagbibigay ako ng tapat na papuri.
Haleigh N., edad 10, Idaho, USA
Dinalhan ko ng kaunting popcorn ang kaibigan ko. Nais ng Ama sa Langit na paglingkuran natin ang iba para tulungan silang madama ang pagmamahal ng Tagapagligtas.
Allison K., edad 9, Utah, USA
Gusto kong makita kung paano kumilos ang mga kaibigan ko kapag may iba pang kasama. Ang susi para maging kaibigan ko ay ang mamuhay ayon sa mabubuting pamantayan.
Lesley A., edad 12, Central Region, Ghana