2025
Ang Pagpapanumbalik ay para sa Inyo
Disyembre 2024


“Ang Pagpapanumbalik ay para sa Inyo,” Kaibigan, Enero 2025, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Ang Pagpapanumbalik ay para sa Inyo

Hango sa “Pakinggan Siya,” Liahona, Mayo 2020, 88–92.

Paglalarawan ng isang pamilya na may mga anak na musmos sa harap ng templo

Ano ang ibig sabihin para sa inyo [ng] naipanumbalik na sa mundo ang ebanghelyo ni Jesucristo?

Ang ibig sabihin nito ay mabubuklod na kayo at ang inyong pamilya magpakailanman! Ang ibig sabihin nito [ay] na kapag nabinyagan kayo at nakumpirmang miyembro ng Simbahan ni Jesucristo, makakasama ninyo palagi ang Espiritu Santo. Ang ibig sabihin nito ay na mapagpapala kayo ng kapangyarihan ng priesthood habang nakikipagtipan kayo sa Kanya at tinutupad ninyo ang mga iyon.

Ang propeta ng Diyos na si Joseph Smith ay inyong propeta. Siya ang unang propeta ng ipinanumbalik na Simbahan. Patuloy pa ring dumadaloy ang paghahayag mula sa Panginoon sa patuloy na prosesong ito ng pagpapanumbalik.

Ang Diyos ay buhay! Si Jesus ang Cristo! Ang Kanyang Simbahan ay naipanumbalik na! Siya at ang ating Ama sa Langit ay nagbabantay sa atin.

Ibalik ang Larawan

Pumunta sa pahina 6 at basahin kung ano ang ibig sabihin ng pagpapanumbalik. Pagkatapos ay subukang ibalik ang larawang ito sa pamamagitan ng pagdodrowing sa mga nawawalang bahagi!

PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Alyssa Petersen