“Hello mula sa Estonia!” Kaibigan, Enero 2025, 8–9.
Hello mula sa Estonia!
Ang Estonia ay nasa Northern Europe at sa mga hangganan sa Baltic Sea. Mga isang milyong tao ang naninirahan doon.
Sikat ng Araw sa Hatinggabi
Sa panahon ng tag-init sa Estonia, may ilang linggo na sumisikat pa rin ang araw sa hatinggabi. Lumulubog ang araw nang mas kalaunan kaysa karaniwan, na nag-iiwan ng puting liwanag sa kalangitan sa gabi.
Tahanan sa Gubat
Kalahati ng Estonia ay kagubatan! Maraming hayop ang naninirahan sa gubat, kabilang na ang mga lynx, beaver, lobo, otter, at baboy-ramo.
Ang Kabiserang Lungsod
Ang Tallinn ang kabiserang lungsod ng Estonia. Isa ito sa pinakamatatandang lungsod sa Northern Europe.
Pista ng Awitan at Sayawan
Ang pistang ito ay mahalagang bahagi ng kultura ng Estonia. Ginaganap ito kada limang taon at umaabot sa 100,000 katao ang dumadalo.
Islang Bansa
May mahigit 2,000 isla sa Estonia. Marami sa mga islang ito ay napakaliit, kaya ang karamihan sa mga tao ay nakatira sa mainland at mas malalaking isla.
Larawang-guhit ni Greg Paprocki