“Banal Kong Kakahuyan,” Kaibigan, Enero 2025, 18–19.
Kaya Kong Tugtugin Ito!
Banal Kong Kakahuyan
Madamdamin [quarter note] = 50–65
Si Joseph Smith do’n sa kakahuyan;
Sa D’yos, humingi ng karunungan.
Nagliwanag ang langit nang magsumamo,
Sa kanya’y nagpakita Ama’t si Cristo,
Nakatayo sa hangin
Upang s’ya ay sagutin.
Koro: Sa banal kong kakahuyan,
Matatagpuan ang katahimikan.
Ako’y babaling
Sa panalangin
Sa banal kong kakahuyan.
Mahalaga na tama’y piliin,
Lalo sa landas na tatahakin.
Kung mananalangin sa ngalan ni Cristo,
Sagot darating mula sa Espiritu,
Ang Ama’y nar’yan din,
Upang ako’y sagutin.
Koro
Sa banal kong kakahuyan.