“Ang Aking mga Salita ng Ebanghelyo,” Kaibigan, Enero 2025, 6.
Ang Aking mga Salita ng Ebanghelyo
Hanapin ang mga salita at pariralang ito sa isyung ito ng Kaibigan!
Ang Unang Pangitain
Ang Unang Pangitain ay nang bisitahin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo si Joseph Smith matapos siyang magdasal. Ninais niyang malaman kung aling simbahan ang sasalihan. Sinabi Nila kay Joseph na tutulong siyang iorganisa ang tunay na Simbahan ni Jesucristo sa lupa.
Sagradong Kakahuyan
Ang Sagradong Kakahuyan ang lugar kung saan natanggap ni Joseph Smith ang Unang Pangitain. Ito ay sa gubat malapit sa tahanan ni Joseph sa Palmyra, New York, USA.
Pagpapanumbalik
Ang ibig sabihin ng ipanumbalik ang isang bagay ay ibalik ito sa dati. Ang Pagpapanumbalik ay ang tinatawag nating pagbabalik ni Jesucristo ng Kanyang tunay na ebanghelyo sa lupa. Nagsimula ang Pagpapanumbalik nang matanggap ni Joseph Smith ang Unang Pangitain. Si Pangulong Russell M. Nelson ay tumatanggap pa rin ng paghahayag para sa Simbahan bilang ating propeta. Nangangahulugan ito na patuloy ang Pagpapanumbalik ngayon!
Paghahayag
Paghahayag ang paraan ng pagkausap sa atin ng Ama sa Langit. Tumatanggap tayo ng paghahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Maaari Siyang maghatid ng damdamin sa ating puso at ng mga ideya sa ating isipan.
Mga larawang-guhit ni Maddie Baker