2025
Mga Temple Card
Disyembre 2024


“Mga Temple Card,” Kaibigan, Enero 2025, 12.

Mga Temple Card

Kirtland Temple

  • Ito ang unang templong itinayo matapos ipanumbalik ang Simbahan ni Jesucristo.

  • Sa Linggo ng Pagkabuhay noong 1836, binisita ni Jesucristo si Joseph Smith sa Kirtland Temple.

  • Noong inilalaan ang templo, nagpakita ang mga anghel!

Helsinki Finland Temple

  • Nang buksan ang templong ito, nagsilbi ito sa mga miyembro mula sa 12 iba’t ibang time zone!

  • Ang Estonian, Finnish, Latvian, Lithuanian, at Russian ay sinasalitang lahat sa templong ito.

  • Ang malaking spire sa templo ay 147 talampakan (45 m) ang taas at yari sa tanso.

Hong Kong China Temple

  • Nagising si Pangulong Hinckley isang gabi at gumuhit ng krokis na ginamit ng temple department para itayo ang templo.

  • Noong 1996, ito ay inilaan upang maging “isang santuwaryo ng kapayapaan” sa isang abalang lungsod.

  • Limang palapag ang taas ng templong ito.

Mga Temple Card

Mga larawang-guhit ni Rachel Erickson