“Nagsimula ang Pagpapanumbalik,” Kaibigan, Enero 2025, 24–25.
Nagsimula ang Pagpapanumbalik
Alamin kung paano ginabayan si Joseph Smith para ipanumbalik ang Simbahan ni Jesucristo.
-
Palmyra, New York (1820): Dito nanirahan si Joseph Smith at ang kanyang pamilya. Lahat ng miyembro ng pamilya ni Joseph ay dumadalo sa iba’t ibang simbahan, at hindi alam ni Joseph kung aling simbahan ang sasalihan. Nabasa niya sa Biblia, “Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos” (Santiago 1:5).
-
Ang Sagradong Kakahuyan (tagsibol ng 1820): Nagdasal si Joseph Smith at nagtanong sa Diyos kung aling simbahan ang sasalihan. Binisita siya ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Sinabi Nila sa kanya na hindi siya dapat sumali sa alinman sa mga simbahan. Tinawag nila si Joseph para tumulong na ipanumbalik ang buong ebanghelyo ni Jesucristo sa lupa.
-
Ang silid ni Joseph (1823): Binisita ng anghel na si Moroni si Joseph Smith. Ipinaalam niya kay Joseph ang mga laminang ginto na naglalaman ng buong ebanghelyo ni Jesucristo. Habang nagsasalita si Moroni, nakita ni Joseph ang isang pangitain kung saan nakabaon ang mga lamina.
-
Ang Burol ng Cumorah (1827): Ibinigay ng anghel na si Moroni kay Joseph Smith ang mga laminang ginto sa Burol ng Cumorah. Tumanggap din si Joseph ng mga espesyal na kagamitan na nakabaon kasama ng mga lamina. Inihanda ng Diyos ang mga ito para tulungan siyang isalin ang mga lamina. Ang mga laminang isinalin ay naging Aklat ni Mormon upang mabasa ng lahat ng anak ng Diyos ang Kanyang mga salita.
Larawang-guhit ni Adam Koford