2025
Pagsunod kay Jesus sa Estonia
Disyembre 2024


“Pagsunod kay Jesus sa Estonia,” Kaibigan, Enero 2025, 10–11.

Pagsunod kay Jesus sa Estonia

Kilalanin si Hugo

Batang lalaking nanonood ng soccer ball

Sinusunod ni Hugo si Jesus sa pamamagitan ng pagdarasal kapag kailangan niya ng tulong. Minsa’y binangungot siya. Nagdasal siya para makatanggap ng kapanatagan. “Tinulungan ako ni Jesus,” wika niya.

Sinusunod din ni Hugo si Jesus sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo sa kanyang mga kaibigan. Gusto niyang ituro sa kanila ang natututuhan niya sa simbahan. Sinasabi niya sa kanila na lahat ay anak ng Diyos. “Niyayaya ko sila sa simbahan at sa mga aktibidad,” wika niya. “Gumaganda ang pakiramdam ko rito.”

Tungkol kay Hugo

Mag-inang nakaupo sa tabi ng piyano

Edad: 9

Mula sa: Estonia

Mga wika: Estonian, English

Mga mithiin:

1) Maging mas mahusay sa pagtugtog ng piyano. 2) Makasama magpakailanman ang kanyang buong pamilya, pati na ang mga lolo’t lola.

Mga libangan:

  • Pagkanta sa Estonian National Opera Boys’ Choir

  • Pagtugtog ng piyano

  • Pagtatanghal sa drama theater

  • Soccer

Pamilya: Nanay, ate, dalawang kapatid na lalaki, at isang asong nagngangalang Ayla

Mga Paborito ni Hugo

Batang lalaking nakangiti at larawang-guhit ng isang Easter basket

Banal na Kasulatan: 1 Nephi 3:7

Tradisyon ng Pamilya: Pagpipinta at pagtatago ng mga itlog sa Pasko ng Pagkabuhay

Prutas: Mangga

Kulay: Orange

Awitin sa Primary:Panalangin ng Isang Bata” (Aklat ng mga Awit Pambata, 6)

PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Suzy Gerhart