“Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo,” Kaibigan, Enero 2025, 14–15.
Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Eva B., edad 6, Antwerp, Belgium
Eduardo B., edad 10, Pichincha, Ecuador
“Natagpuan ni Joseph Smith ang mga Laminang Ginto,” Abigail H., edad 10, California, USA
Elizabeth J., edad 8, North Carolina, USA
“Ang Aking Simbahan,” Russell J., edad 9, Arkansas, USA
Boone M., edad 5, Utah, USA
Ang mithiin ko ay ibahagi ang mga talento ko. Sumasabay ako sa pagkanta habang tumutugtog ng piyano ang kapatid ko. Gusto kong tulungan ang iba na madama ang pagmamahal ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng musika.
Elena A., edad 9, Puerto Rico
Natutuwa akong magsimba tuwing Linggo at matuto tungkol sa ebanghelyo. Ang pagsisimba ay nagpapalakas sa aking espirituwal na pundasyon at tumutulong sa paggawa ko ng mahihirap na desisyon.
Daniel C., edad 8, Hawaii, USA
Nadama ko na katabi ko ang Ama sa Langit at si Jesus noong bininyagan ako. Espesyal ang binyag ko dahil kasama sa araw na iyon ang dalawang pinsan ko na kaedad ko.
Ezra C., edad 9, Emirate ng Dubai, UAE
Ako ang kumumpas sa musika para sa Primary program namin sa simbahan! Gustung-gusto kong kantahin ang mga himno. Naging inspirasyon ito sa akin para mag-aral na tumugtog ng piyano mula sa isang senior missionary. Maaari kong tugtugin ang ilan sa mga awitin mula sa hymnbook.
Gabriella G., edad 10, Harare, Zimbabwe
Sabik na akong maging missionary tulad ni Jesus at ibahagi ang ebanghelyo.
Luciano C., edad 9, Macau, China
Naglilingkod ako sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng kung anu-anong pagpapakita ng kabaitan sa mga tao.
Ellie W., edad 11, Maryland, USA