“Mga Tala sa Kumperensiya,” Kaibigan, Nob. 2025, 4–5.
Mga Tala sa Kumperensya
Ang Ebanghelyo ay Tungkol sa mga Pamilya
Itinuro ni Pangulong Oaks na ang mga pamilya ang sentro ng ebanghelyo ni Jesucristo. Noong bata pa siya, namatay ang kanyang ama. Pero itinuro sa kanya ng kanyang ina ang ebanghelyo, at binigyan siya nito ng pag-asa at kapayapaan. Ang mga pamilya ay nahaharap sa mga hamon, ngunit lahat tayo ay maaaring magkaroon ng pag-asa na maaari tayong maging bahagi ng isang walang-hanggang pamilya.
Magdrowing ng larawan ng inyong pamilya.
Paggawa ng Mahihirap na Bagay na Kasama si Cristo
Sinabi ni Elder Eyring na noong nasa kolehiyo siya, mahirap para sa kanya ang physics at math. Nahirapan siya at gusto na niyang sumuko. Nang manalangin siya, napanatag at nahikayat siya. Nalaman niya na magagawa niya ang lahat ng bagay sa pamamagitan ni Cristo, na nagpapalakas sa ating lahat (tingnan sa Filipos 4:13). Kapag nahaharap tayo sa oras ng kagipitan, makakasama natin ang Ama sa Langit at si Jesucristo.
Magdrowing o magsulat tungkol sa isang pagkakataon na nakagawa ka ng isang bagay na mahirap sa tulong ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
Tapat sa Iyong Patotoo
Ibinahagi ni Elder Brown na sumapi siya sa Simbahan sa Jamaica. Itinanong ng kanyang mga kaibigan, “Bakit ka sumapi sa simbahang iyon? Talaga bang naniniwala ka roon?” Pero nagkaroon siya ng patotoo mula sa Espiritu Santo, at nanatili siyang tapat sa kanyang patotoo. Kapag pinipili nating maniwala, lalago ang ating patotoo.
Silid para sa isang Propeta
Nagkuwento si Sister Spannaus tungkol sa isang babaeng nag-imbita sa propetang si Eliseo na kumain sa bahay niya. Nagpagawa pa nga ang babae ng isang silid sa bahay niya para may matuluyan si Eliseo. Pinatunayan sa kanya ng Espiritu Santo na siya ay isang propeta ng Diyos. Maaari din tayong magkaroon ng patotoo tungkol sa mga propeta ng Diyos. Mabubuksan natin ang ating puso at masusunod ang kanilang patnubay.
Ang Bisa ng mga Awitin sa Primary
Nagsalita si Sister Browning tungkol sa kahalagahan ng mga awitin sa Primary. Sinabi niya na ang musika ay isang kasangkapan na makatutulong sa pagtatanim ng mga binhi ng patotoo sa ating puso. Kapag kumakanta tayo ng mga awitin sa Primary, kinakanta natin ang ating patotoo tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo. Talagang gusto ni Jesus na tayo at maging isang sinag ng araw!
King of Love, My Shepherd by Julie Rogers. May not be copied.