“Hello mula sa Spain!” Kaibigan, Nobyembre 2025, 12–13.
Hello mula sa Spain!
Ang Spain ay nasa timog-kanlurang Europe. Mahigit 45 milyong tao ang naninirahan doon! Ang opisyal na wika ng Spain ay Spanish.
Setas de Sevilla
Ang mga higanteng parasol na ito ay tinatawag na “Mga Mushroom o Kabute ng Seville.” Binubuo ng mga ito ang pinakamalaking istrukturang kahoy sa buong mundo!
Ang Red River
Ang Rio Tinto ay isang ilog sa Spain na mamula-mula! Ang tubig ay masyadong acidic, at ang kulay nito ay nakuha mula sa bakal at iba pang mga metal na nagkapira-piraso sa lupa sa ilalim ng ilog.
The Royal March
Ang pambansang awit ng Spain ay tinatawag na “The Royal March [Ang Maharlikang Martsa].” Ang Spain ay isa sa ilang bansa na walang mga salita sa pambansang awit nito.
Sunny Islands
Ang Canary Islands sa Spain ay may average na 320 araw ng sikat ng araw bawat taon!
Flamenco
Isa sa mga pinakakilalang estilo ng musika sa Spain ang flamenco. Kadalasang kasama sa pagtatanghal ng flamenco ang pagtugtog ng musika sa gitara, pagkanta, at pagsasayaw!
Mga larawang-guhit ni Amanda Smith