2025
Matuto mula sa Kumperensiya
Nobyembre 2025 Kaibigan


“Matuto mula sa Kumperensiya,” Kaibigan, Nobyembre 2025, 6–7.

Matuto mula sa Kumperensiya

Ang Resipe ng Mabuting Balita

Itinuro sa atin ni Elder John D. Amos na sundin ang resipe ng Diyos sa mga banal na kasulatan para sa masayang pamumuhay. Hanapin ang bawat talata sa banal na kasulatan upang makita kung aling mga sangkap ang mag-aanyaya kay Jesucristo sa iyong buhay. Magdrowing ng mga arrow para maidagdag ang mga ito sa kaldero ng jambalaya. Maglagay ng X sa mga sangkap na hindi mo dapat gamitin.

Pakikinig sa Kumperensiya

Lagi kong kinasasabikan ang pangkalahatang kumperensiya. Ang pakikinig sa mga turo ng mga Apostol at ng ating propeta ay palaging nagpapasaya sa akin. Ibinabahagi ko rin ang mga turo sa aking kapatid at sa mga kapitbahay ko. Ipinapaalala sa akin ng mga turo na mahal ako ng Diyos araw-araw.

Jianna A., edad 9, Kisumu County, Kenya

Gusto ko ang pangkalahatang kumperensiya. Palagi namin itong pinanonood sa TV.

Ismael R., edad 8, Department of Lima, Peru

Pagdiriwang ng Pagpapahayag Tungkol sa Mag-anak

Ang kumpersiyang ito ang ika-30 anibersaryo ng “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo.” Hinikayat tayo ni Pangulong Dallin H. Oaks na mag-ukol ng oras sa paggawa ng mabubuting bagay kasama ng ating pamilya. Ano ang ilang bagay na maaari mong gawin kasama ng iyong pamilya? Isulat ang mga ito sa kard sa ibaba. Pagkatapos ay gupitin ang kard para matulungan kang maalala ang iyong mga ideya!

Page PDF with illustration of girl making jambalaya

Illustrations by Josh Talbot