2025
Ano ang Mangyayari Kapag Namatay ang Propeta?
Nobyembre 2025 Kaibigan


“Ano ang Mangyayari Kapag Namatay ang Propeta?” Kaibigan, Oktubre 2025, 3.

Ano ang Mangyayari Kapag Namatay ang Propeta?

  1. Tumatawag ang Panginoon ng mga propeta upang pamunuan ang Kanyang Simbahan, at mayroon Siyang plano kapag namatay ang isa sa kanila. Lagi Niyang ginagabayan at pinamamahalaan ang Kanyang Simbahan!

  2. Kapag pumanaw ang Pangulo ng Simbahan, ang Korum ng Labindalawang Apostol ang namumuno sa Simbahan. Kabilang na ngayon dito ang dalawang Apostol na mga tagapayo sa Unang Panguluhan.

  3. Ang mga Apostol ay nananalangin at nagpapasiya kung kailan mag-oorganisa ng bagong Unang Panguluhan.

  4. Tinatawag ng Panginoon ang pinakamatagal nang naglilingkod na Apostol upang maging susunod na propeta at Pangulo ng Simbahan.

  5. Sa pamamagitan ng bagong propeta, tumatawag ang Panginoon ng dalawang Apostol bilang mga tagapayo sa bagong Unang Panguluhan.

  6. Isang bagong Apostol ang tatawaging maglingkod sa Korum ng Labindalawang Apostol.

  7. Sa pangkalahatang kumperensya, nagtataas tayo ng mga kamay para sang-ayunan ang bagong Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol. Ang ibig sabihin nito ay sumasang-ayon tayong mahalin at suportahan sila at sundin ang kanilang patnubay bilang mga tagapaglingkod ng Panginoon.

  8. Kapag tinawag ang bagong Pangulo ng Simbahan o Apostol, maaari ninyong ipagdasal na malaman kung sila ay tinawag ng Diyos. At masasang-ayunan at masusuportahan ninyo sila sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga salita at pagsunod sa mga ito!

Page PDF