“Ang Aking mga Salita ng Ebanghelyo,” Kaibigan, Nobyembre 2025, 10.
Ang Aking mga Salita ng Ebanghelyo
Hanapin ang mga salita at pariralang ito sa isyung ito ng Kaibigan!
Ikapu
Ang pagbabayad ng ikapu ay pagbabalik sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagbibigay sa Kanyang Simbahan ng ikasampung bahagi (10 porsiyento) ng perang kinikita natin. Ang ikapu ay tumutulong sa pagtatayo ng mga templo at simbahan at sumusuporta sa gawain ng Simbahan. Kapag nagbabayad tayo ng ikapu, pinagpapala tayo ng Ama sa Langit sa maraming paraan!
Mga Ninuno
Ang ating mga ninuno ay mga tao sa ating pamilya na matagal nang nabuhay noon, tulad ng ating mga lolo at lola-sa-talampakan. Ang mga ninuno ay mahalagang bahagi ng ating family history. Maaari nating malaman ang tungkol sa kanila, alalahanin sila, at gawin ang gawain sa templo para sa kanila para magkasama-sama tayo magpakailanman.
Indexing
Ang indexing ay isang paraan para matulungan natin ang iba na mahanap ang kanilang mga ninuno! Nagta-type tayo sa computer ng mga pangalan mula sa mga lumang rekord na papel para mahanap ng mga tao ang kanilang mga kapamilya at makahanap ng mga rekord tungkol sa kanilang buhay. Tumutulong ito sa gawain sa family history at sa templo para mas maraming tao ang mabuklod magpakailanman. Kahit ang mga bata ay maaaring tumulong sa indexing!
Pagkamartir
Nangyayari ang pagkamartir kapag namatay ang isang tao para sa isang bagay na pinaniniwalaan nila. Sina Joseph Smith at ang kanyang kapatid na si Hyrum ay mga martir dahil sila ay pinatay dahil sa paniniwala sa, pamumuhay, at pagtuturo ng ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo.
Mga larawang-guhit ni Madison Baker