“Margo at Paolo,” Kaibigan, Nobyembre 2025, 33.
Margo at Paolo
Pag-alaala kay Lolo
Margo: Maligayang Araw ng mga Lolo!
Lola: Hmm? Ibig mong sabihin ay kaarawan ni Lolo?
Margo: Alam po namin na nami-miss n’yo po siya, at kami rin po.
Paolo: Kaya gusto namin ngayon na alalahanin siya. Gagawin po natin nang magkasama ang lahat ng paborito niyang bagay!
Paolo: Malusog ang mga bulaklak ni Lolo!
Lola: Stroganoff ang paboritong pagkain ng Lolo n’yo. Niluluto ko ito para sa kanya tuwing Linggo!
Paolo: Mmmm.
Margo: Naaalala ba ninyo na tinulungan niya kaming magtayo ng HIGANTENG kastilyong buhangin? Kasinglaki ko iyon!
Lola: Salamat, mga anak. Napakasayang araw nito.
Margo: Mahal namin kayo, Lolo! At alam po namin na muli namin kayong makakasama balang-araw dahil kay Jesucristo.
Mga larawang-guhit ni Katie McDee