“Namatay si Joseph para sa Ebanghelyo,” Kaibigan, Nobyembre 2025, 26–28.
Mga Kuwento sa Banal na Kasulatan
Namatay si Joseph para sa Ebanghelyo
Maraming tao ang galit kay Joseph Smith at sa Simbahan. Hindi nila gusto ang itinuturo ni Joseph. May ilan na gusto siyang patayin.
Kinailangang pumunta ni Joseph sa lungsod ng Carthage para makapagpasiya ang hukom kung nilabag niya ang batas. Binasbasan ni Joseph si Emma at ang kanyang mga anak, hinagkan sila para magpaalam, at umalis papuntang Carthage
Sinamahan si Joseph ng kanyang kapatid na si Hyrum at ng iba pang mga kaibigan. Pag-alis nila, lumingon si Joseph sa Nauvoo. “Ito ang pinakamagandang lugar at pinakamabubuting tao sa silong ng langit,” sabi niya.
Ibinilanggo sa Carthage ang mga lalaki. Binasa sa kanila ni Hyrum ang Aklat ni Mormon. Sinabi ni Joseph sa mga bantay na totoo ang Aklat ni Mormon.
Kalaunan nang araw na iyon, lumusob sa bilangguan ang mga galit na lalaki na may mga dalang baril. Sila ay nagsimulang magpaputok sa silid kung saan naroon si Joseph at ang kanyang mga kaibigan. Napatay sina Hyrum at Joseph.
Labis na nalungkot ang mga Banal nang malaman nila na namatay sina Joseph at Hyrum. Pero alam nila na ang Simbahan ay patuloy na lalago at pagpapalain ang mga anak ng Diyos sa buong mundo.